Tag Archives: tula

Awit sa Gabi

Standard

Ngayong malalim na ang gabi,
nakadungaw pa rin sa bintana,
Hinihintay ang iyong pagbalik.

Halika na. Umuwi ka na.
(Naririnig mo ba ang aking awit?)

Iiwan kong nakabukas ang ilaw,
ang mga bintana,
para ika’y salubungin
kung ikaw man ay dumating.
(Hindi kita iiwan.)

Saan ka na ngayon?
Nalunod ka ba sa liwanag ng mga bituin?

Alikabok

Standard

Pilit na winawalis

ang alikabok ng iyong alaala.

Mula sa itaas ng lamesa

hanggang sa ilalim ng sofa.

Pilit na tinatago,

nililinis,

tinatapon

palabas ng pintuan.

Ngunit nang

akala mong

malinis na,

pagtingin mong muli

hayan,

bumabalik

at bumabalik pa rin.

Found my old journal and saw this poem I wrote a few years ago (January 29, 2011).